.jpg)
After the top-rating show First Time, ang paborito nating tween loveteam na sina Jake at Bea return to television via the top-rating fantaserye Ilumina. Text by Ayessa De La Pena. Photo by Mitch Mauricio.
Young stars Jake Vargas and Bea Binene totally compliment each other. Kung tahimik at medyo seryoso si Jake, si Bea, on the other hand, ay super bibo. Kaya naman hindi kataka-takang kabilang na ang tween loveteam na ito sa bagong primetime offering ng GMA na Ilumina.
As a matter of fact, kakalabas lamang ng dalawa nitong linggo, where Jake plays Eli (Eliseo) na anak ni Jean Garcia and Bea plays Tina, na kasambahay naman nina Eli. Kaya naman excited na excited ang fans ng dalawang young actors na mapanood sila dito.
Sa katunayan nga, bago pa man lumabas sina Jake at Bea ay nainip na ang kanilang fans dahil week four pa sila lalabas. Ngunit ano nga ba ang dapat abangan ng mga supporters nila sa kanilang paglabas dito?
“Medyo masungit ako noong una [sa istorya]. Kasi ayoko sa probinsya, kasi taga-Manila kami. Huwag kayong magalit sa akin kasi medyo masungit ako doon kay Bea,” babala ni Jake, “Medyo masungit ako sa kanya, pero sa banding huli, lalambot rin iyon si Eli.”
“Nag-iba [iyong character ko]. Kasi dati tindera ako sa palengke, iba na. So dapat abangan nila! Nakaka-challenge kasi sobrang hinding-hindi ako iyon,” excited na kuwento naman ni Bea.
Dito rin sa Ilumina ay may bagong ka-love triangle sina Jake at Bea. Ito ay si Lexi Fernandez, na anak ng veteran actress na si Maritoni Fernandez. Ayon kay Bea, masayang-masaya siyang makatrabaho dito si Lexi na kaibigan na niya ngayon. “Alam n’yo po iyong babaeng iyon, sobrang bait niya! Kahapon po nag-taping kami tas nandoon siya kasi parang dinaya iyong location. Siya siguro tapos na siyang mga one. Inintay niya akong matapos! Sobrang sweet,” natutuwang sagot ni Bea.
Excited rin namang makatrabaho ni Jake si Lexi. Iyon nga lamang ay wala pa raw silang nai-shoot na eksena kasama si Lexi, “Si Lexi hindi ko pa siya nakakatrabaho [dito sa show]. Hindi ko pa siya nakakasama.”
Bukod sa mga shooting nila. Masayang ibinahagi sa amin ng tween stars ang experience nilang makatrabaho ulit ang isa’t isa after First Time. “Si Bea kasi matagal ko na rin kasing nakakasama sa mga shows dito sa GMA…friendly pa rin [siya],” nakangiting sagot ng binata.
As for Bea naman, masaya siyang nagiging madaldal na si Jake at nahahawa na raw ito sa kanya. “Mas naging close po kami. Kasi dati sa First Time ang tawag ko sa kanya luli – lulubog, lilitaw – kasi lagi siya nasa sasakyan,” natatawang kuwento ni Bea, “Ngayon hindi na! Medyo madaldal na siya, in fairness to him! Nahawa na sa akin!”
Panoorin sina Jake at Bea sa Ilumina, weeknights after Survivor Philippines Celebrity Showdown!
‘Wag ring kalimutan ang kanilang iGMA Live Chat sa September 9, 2010, 2P.M. to 4P.M. (Philippine Time). Mag-log on na sa iGMA Live Chat for more details on this event.